Thursday, May 12, 2005

Manay Letty Finale

Bago ako magwakas, dear readers, may gusto akong i-share sa inyong lahat, isang kwentong mapupulutan nyo ng aral. Ilang taon na ang nakalilipas, noong bata't sariwa pa ako, sumali ako sa "Reyna Ng Bocaue" beauty pageant.

Lettygirl pa ang tawag sa akin noon. Ganito ang nangyari...

Host: How are you, Lettygirl?
Lettygirl: How are you too!
Host: Ok. So Lettygirl, here's your question: What do you think is your best feature?
Lettygirl:(all smiles and poise na poise) Well I think that my best ficture is
my graduation ficture! I thank you!

(Ayun, talo si Manay Letty...)

--------------------------------------------------------------------------------

Hanggang dito na lamang po, because I'm tired and I'm pretty. Sana ay antabayanan niyo ang mga susunod pang liham na aming ilalathala dito (kung meron pa nga..)

Nawa'y magpatuloy ang inyong pagdulog at pagsulat sa...

Dear Manay Letty.

Ngunit bago ako magpaalam, nais ko sanang mag-iwan ng isang munting mensahe hindi lamang para sa lahat ng mga masugid na sumusubaybay sa Dear Manay Letty, kundi pati na din para sa aking sarili at sa aking One and Only, naitatago ko na lang sa pangalang BukoPie Vanilla Milkshake.

So, para sa inyo, dear readers:
L.I.B.Y.A. - Love Is Beautiful; You Also.

Para naman sa akin:
P.A.S.A.Y. - Pretty And Sexy Are You.

Heto pa isa, para din sa akin:
E.G.Y.P.T. - Everything's Great, You Pretty Thing!

At para kay BukoPie Vanilla Milkshake:
I.M.U.S. - I Miss U, Sweetheart.

Ito po ang inyong Manay Letty na nagpapaalam at nagsasabing...
Remember, there's a Manay Letty inside every one of us!