The Manay Letty Letters (Part I)
Dear Daughter Dearest,
Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam ko na mabagal kang magbasa. Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili na bahay pero hindi ko maibibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang number para daw hindi na sila magpapalit ng address.
Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw naman nung pangalawa.
Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad ng nabili kong shampoo dahil ayaw
bumula. Nakasulat kasi sa labas ay FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.
Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ang padlock. Nakasulat kasi ay YALE, aba eh namalat na ako sa kakasigaw ay hindi pa din bumubukas.
Mayroon nga pala akong nabili dito na magandang jacket at tiyak na magugustuhan
mo. Ipinadala ko na sa iyo sa DHL, medyo mahal daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko sa mga bulsa. Ikabit mo na lang pagdating diyan.
Nagpadala na din ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto kong maging anonymous donor.
Ang kapatid mo nga palang si Jude ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500 na tao na under sa kanya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa Memorial Park, okey naman ang kita, above minimum ang sahod.
Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas.
Nagmamahal for life,
Mommy Dearest
P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisara ko na ang envelope.
********************
Dear Mommy Dearest,
Utang na loob naman Inay, bakit naman wala pa ring kupas ang inyong ka*&^%$han?
Kaya naman dalawang beses na inaatake sa puso si Itay dahil sa konsumisyon sa inyo eh. Tulad ng tinitigan nyo ng isang oras yung karton ng orange juice dahil nakasulat dun "concentrate", o nung sinabi nyo na puno na yung sinehan dahil nakasulat sa may pintuan "pull". Hay naku, mabuti na lang at ang kagandahan ko lang ang namana ko sa inyo.
Para sa iyo, Mommy Dearest (at kailan pa nga pala kayo nagpalit ng pangalan
from "Inay" to "Mommy Dearest"?):
M.A.N.I.L.A. - May All Nights Inspire Love Always.
Nagmamahal forever,
Manay Letty
---watch out for Part II :)
5 Comments:
i enjoy manay letty's sulats!=)
hehe.. watch out for more! :D
cool! ... haha.. enjoY! sobrang FunnY! =)
For so many years working ,living in the U.S and Canada ,first time
i had a good laugh,because of Manay
Lettys Forum.Thank you.
dear anonymous,
thanks for reading this entry!
il try posting some more funny stuffs in the future. :)
Post a Comment
<< Home