Wednesday, April 13, 2005

Manay Letty and Desperate

Dear Manay Letty,

Mayroon akong anak na ubod ng landi. Wala nang pinatawad, pati mga magbabalut pinapatulan. Nahuhuli ko kung saan-saan. Papalit-palit ng kasintahan. Hindi ko na alam ang gagawin sa anak kong ito, hiyang-hiya na ako sa ibang tao.

Desperate

********************
Dear Desperate,

Itay naman sabi nang huwag na kayong susulat dito eh! Malaki na ako, hayaan nyo na ako sa gusto ko sa buhay. Matipuno naman yung mga magbabalut sa atin, tsaka friends lang kami nun. Namatay na nga pala si Tiya Dely, hayun successful naman ang libing. Kamusta na si Inay? Utang na loob patigilin nyo na sa pag-aararo si Inay.

Para sa iyo, Itay:
P.E.R.U. - Phorget Everyone... Remember Us.
At pakisabi kay Daniel, yung magtataho sa atin:
I.N.D.I.A! - I Nearly Died In Adoration!


Nagmamahal forever,
Manay Letty