Friday, March 25, 2005

Manay Letty and Thin Girl

Dear Manay Letty,

Mayroon akong dalawang katanungan na kung inyong masasagot ay makatutulong sa nakararami, at sa katunayan ay maaari pang makapagdulot ng world peace.

Una: Ang kikiam ba ay kiki sa umaga?

At pangalawa: Ang uod ba pag namatay ay inuuod din? I thanks for you!

Thin Girl

********************
Dear Thin Girl,

Bago ko sagutin ang iyong mga tanong, gusto ko munang i-address ang ating Dear
Readers, especially ang mga hindi taga-Pilipinas na hindi bihasa sa "textese" (rhymes with "chinese"), ang unique language ng mga pinoys na ginagamit sa texting: usually ginagamit ang "am" or "pm" instead na "morning" o "evening" para mas maiksi i-type, for example: "gud am HoneyBunny!" o "gud pm my sweet LecheFlan Cupcake!".

Kaya ang question ng ating mahaderang letter-writer ay kung: "kiki" + "am" = "kiki sa umaga"?

Actually hindi din ako sure sa sagot kaya tinanong ko ang isa kong kaibigan na lalaki. Ang sabi niya ay "yes" daw ang sagot dahil pareho lang naman daw ang lasa nun. Ang reaction naman ng inyong asumptionistang lola (meaning ako yun!):
"YUCK! YUCKADIRI! YUCKADIRI TO DEATH!"

Para naman sa 2nd question mo, Thin Girl: malalaman lang natin ang sagot dyan
pag pumanaw ka na, dahil sigurado akong mukha ka namang uod. By the way, alam mo bang magiging bastos ang pangalan mo kapag si German Moreno ang
nag-pronounce. Pag-isipan mo na lang kung bakit. Wala lang, FYI lang...o sya, heto
ang iyong food for thought:

C.A.N.A.D.A. - Cute And Naughty Action Develops Attraction.

Nagmamahal forever,
Manay Letty

Manay Letty at Edgar

Dear Manay Letty,

Isa akong gwapong chickboy at dalawa ang aking girlfriends. Minsan ay nagkasabay sila sa isang lugar, di ko kasi alam. Tuloy inaaway nila ako ngayon at
gusto ng makipag-break. Kaya nga kailangan ko ang iyong tulong.

Edgar

********************
Dear Edgar,

Walang kwenta ang liham mo kaya ayokong sagutin. Huwag ka ng susulat ulit dito
at inaaksaya mo lang ang panahon ko, leche ka.

Edgar, dahil ang sabi mo ay gwapo ka, at mahilig si Manay Letty sa gwapo, ito ang para sa iyo:
T.O.N.D.O. - Tonight's Our Night, Dearest One.

Nagmamahal forever,
Manay Letty

Many Letty and Jogalyn

Dear Manay Letty,

Isa akong 38-years old na babae, single at mayaman. Pagkatapos ng mahabang panahong pag-iisa, may nanliligaw ulit sa akin ngayon, si Romy. Mukha naman siyang mabait pero hindi ko siya masyadong gusto dahil, uhm, pangit siya. Ngunit sa edad kong ito, nais ko na sanang makapag-asawa, at baka si Romy na ang last chance ko. Ano ang aking dapat gawin?

Jogalyn

********************
Dear Jogalyn,

Huwag ka nang mag-inarte at sigurado akong hindi ka naman kagandahan. Pangalan
mo pa lang jologs na jologs na. Magpasalamat ka na lang at may gusto pang pumatol sa 'yo kahit guranggutan ka na. Anyway, hindi mo dapat isipin na si Romy na ang last chance mo para lumagay sa tahimik, Jogalyn. Dahil hindi ka naman papakasalan nun, pera mo lang ang habol niya at iiwanan ka din balang-araw. Huwag ka nang mag-ilusyon na makapag-aasawa ka pa at dapat ngayon pa lang ay tanggapin mo na na tatanda kang dalaga habangbuhay.

Sana ay napaligaya ka ng aking tugon sa iyong problema. Para sa iyo, Jogalyn:
B.A.L.I.W.A.G. - Beauty And Love I Will Always Give.

Nagmamahal forever,
Manay Letty

Sunday, March 20, 2005

Manang Letty at ...

Dear Manay Letty,

Nais kong ikuwento sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi.

Hindi ko kayang makalimutan kahit anong bahagi ng gabing iyon. Malakas ang ulan noon. Katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang ako sa loob ng aking kuwarto.

Narinig ko si Itay na kumakatok sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pinto ay sinabi niya na kailangan daw naming magusap. Pinapasok ko naman po siya dahil ama ko po siya.

Nagulat na lamang ako nang isarado at ikinandado niya ang pinto. Hinawakan ni Itay ang braso ko. Napasigaw ako, sabi ko "ITAY huwag, anak mo ako!".

Ngunit hindi tumigil ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginawa. Pumikit na lamang ako dahil sa ayaw kong makita ang mukha nang aking tatay sa kababuyan na kanyang ginagawa. Naririnig ko si Inay na binubulabog ang pinto. Sumisigaw na, "H&^%$ ka wag mong gawin yan sa anak mo!" Ngunit wala pa rin. Ipinaubaya ko na lamang ang sarili ko sa Diyos.

Pagkalagpas ng ilang sandali ay natapos din ang aking Itay. Nang humarap ako sa salamin ay nagulat ako sa aking nakita.

Magaling naman pala mag-make-up si Itay. Noong gabi na iyon ay nagladlad ng kapa si Itay. Natuwa ako at mahusay ang kanyang ginawa. Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil sa ganda ko. Nagyakapan kami doon at nag-iyakan.

Masaya na kami ngayon at walang problema.

Badong
--------------------
Dear Badong,

Wala akong masabi sa liham mo kundi...PANALO!!!

Para sa iyo, Badong:
B.U.R.M.A. - Between Us, Remember Me Always.

Nagmamahal forever,
Manay Letty

Tuesday, March 15, 2005

Manay Letty and Gemini

Itong susunod na liham ay hindi talaga para sa "Dear Manay Letty" kundi para talaga ito sa aking friend at sa friend nating lahat dito sa Tristan Cafe, si Tristan. Totoo itong letter na 'to, believe it or else. Uulitin ko, ACTUAL LETTER ITO PARA KAY TRISTAN. Naaliw ako ng husto dito kaya ako, ang inyong ever-beautiful Dear Manay Letty, ang sasagot...

Hi Tristan. Good and you make another new website that is cooler and neater. But my only criticism to your website is that, it has a lot of grammar error that has need to be correct. Tristan, this is a website and not just mail or something that where you can use fragment sentences or something like that.

since this is a Website, you must be careful to your words, your verbs, your sentence structure because their are thousands of people or so are visiting this Filipino website. At isa pa, kung ang mga grammar mo dito sa website mo ay hindi pa rin magbabago, what would i highly recommend to you is that you better remove this website here because ang kalalabasan tuloy niyan ay magiging kahiyahiya lang ang mga pilipino.

Oh, Tristan i do not know how could i help you to correct your grammar but what can i
suggest for you is to read a grammar books - just like constructing sentences book.

Gemini

********************
Dear Gemini,

My gas! Did you sure? What does your proof? You're cannot be seriousness! I'm
really embarassment at that criticize, so these is my comments at you:

P.A.S.I.G! - Please Always Say I'm Gorgeous!

Nagmamahal forever,
Manay Letty

Thursday, March 10, 2005

Manay Letty and Yaya Mitring

Dear Manay Letty,

Letty, anak, ikaw ba yan? Dalaga ka na pala. Natatandan mo ba ako? Si yaya Mitring mo 'to...natatandaan mo nung bata ka pa, hinuhugasan ko ba ang singit mo? Miss na miss na kita. Sana dumalaw ka naman dito sa Basilan para sa fiesta. Sige iha, wag ka sana magbago ha, sana ikaw pa din ang mahal kong Lettygirl.

Yaya Mitring

********************
Dear Yaya Mitring,

Kamusta ka na? Natatandaan talaga kita, ikaw yung nagnakaw sa amin bago ka umalis. Kamusta na pala si Loring, yung anak mo na kalaro ko noong araw? Napatawad niya na ba ako sa paghulog ko sa kanya sa bangin noong mga dalagita pa kami, at nung itinulak ko siya sa ilog na may mga buwaya?

Wala naman akong masamang hangarin sa kanya noon, hindi ko naman siya sinisisi sa pag-akit niya sa aking kasintahan ng mga panahong yun. At pakisabi sa panganay nyong si Tonton, ang aking pers lab: salamat sa mga matamis naalaala. Sana naman ay tuli na siya ngayon.

Para sa iyo, Yaya Mitring:
K.E.N.Y.A. - Keep Everything Nice Yet... Amazing?!
Para kay Loring, na nawa ay nakakalakad na ulit:
F.R.A.N.C.E. - Friendships Remain And Never Can End.
At kay Tonton, who still brings a twinkle to my eyes:
C.H.I.N.A. - Come Here...I Need Affection.

P.S. Taga South of France ako noh! Anong Basilan ang sinasabi mo dyan...sa
ganda at sosyal kong 'to...

Nagmamahal forever,
Manay Letty

Saturday, March 05, 2005

The Manay Letty Letters (Part I)

Dear Daughter Dearest,

Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam ko na mabagal kang magbasa. Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili na bahay pero hindi ko maibibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang number para daw hindi na sila magpapalit ng address.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw naman nung pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad ng nabili kong shampoo dahil ayaw
bumula. Nakasulat kasi sa labas ay FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ang padlock. Nakasulat kasi ay YALE, aba eh namalat na ako sa kakasigaw ay hindi pa din bumubukas.

Mayroon nga pala akong nabili dito na magandang jacket at tiyak na magugustuhan
mo. Ipinadala ko na sa iyo sa DHL, medyo mahal daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko sa mga bulsa. Ikabit mo na lang pagdating diyan.

Nagpadala na din ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto kong maging anonymous donor.

Ang kapatid mo nga palang si Jude ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500 na tao na under sa kanya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa Memorial Park, okey naman ang kita, above minimum ang sahod.

Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas.

Nagmamahal for life,
Mommy Dearest

P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisara ko na ang envelope.

********************


Dear Mommy Dearest,

Utang na loob naman Inay, bakit naman wala pa ring kupas ang inyong ka*&^%$han?
Kaya naman dalawang beses na inaatake sa puso si Itay dahil sa konsumisyon sa inyo eh. Tulad ng tinitigan nyo ng isang oras yung karton ng orange juice dahil nakasulat dun "concentrate", o nung sinabi nyo na puno na yung sinehan dahil nakasulat sa may pintuan "pull". Hay naku, mabuti na lang at ang kagandahan ko lang ang namana ko sa inyo.

Para sa iyo, Mommy Dearest (at kailan pa nga pala kayo nagpalit ng pangalan
from "Inay" to "Mommy Dearest"?):
M.A.N.I.L.A. - May All Nights Inspire Love Always.

Nagmamahal forever,
Manay Letty

---watch out for Part II :)